Monday, July 11, 2011

Mountaineering 101 (Pico de Loro Climb)



Interested in mountain climbing? Here are some lessons to take note of:


Lesson 1: Sit apart. Chances are papunta pa lang e sumasakit na ang pisngi
mo kakatawa. At kahit 5 beses ka pang mag announce na matutulog
ka na e hindi mo na rin ito magagawa...

Lesson 2: Blend with the background...see? hindi mo mapapansin
kung saan nagtatapos ang kurtina at saan nagsisimula ang tshirt...


may kurtina man o wala, he still blends with the background...
it's the perfect camouflage.


Lesson 3: Circulate. Kilalanin ang tao sa iyong kaliwa at kanan.
Kunin ang kanilang pangalan at email address. Importante ito para malaman
kung pano mo makukuha ang mga pictures mo na nasa camera ng iba.
Kunin na rin ang celphone number para i-follow up ang mga hindi pa nagpopost.

Lesson 4: Stay alert. Kahit na masarap magpapicture, wag kalimutan ang mga gamit
(gaya ng shades). Hassle kasi kapag babalikan pa ang naiwang bagay pagbaba
sa bundok at mangangatok pa sa tindahang sarado na para bawiin ito.

Lesson 5: Maximize. Usually, maayos pa ang itsura nyo bago mag-start ng climb
kaya magpapicture na ng magpapicture. di ba? ang babango pa naming tingnan.


Lesson 6: Prepare. Ayusing maigi ang medyas at sapatos bago mag-start
(kahit na mababasa rin ang mga ito pagdating sa taas).

Lesson 7: Strategize. Kung may camera ka, ipabitbit na lang ito sa iba.
hindi naman pwede na ang lahat ng kasama mo ay may kuha sa camera mo,
except ikaw.

Lesson 8: Walk in a straight line. Para pag may kukuha ng picture, kita lahat,
di ba?


Lesson 9: Distancia, amigo. Ayaw po nating magmistulang domino
kapag may isang nadulas...^_^ 


Lesson 10: Be vigilant. Pag nararamdaman mong nakatutok na
 ang camera, lingon kagad! habang likod lang ang kita sa iba,
ikaw, nakaharap. lamang ka!


Lesson 11: Every once in a while, look behind you. baka
 kasi magulat ka kapag ang mga akalang mong nakasunod sayo
e nakapose na pala lahat.


Lesson 12: Smile. Para may camera man o wala, project...


Lesson 13: Observe proper blocking. kapag natakpan mo kasi ang mukha
ng may ari ng camera, pwede nyang idelete ang magandang mong picture
. sayang naman, di ba?


Lesson 14: Keep up the pace. para kahit anung klaseng pose
ang gawin nyo, walang ibang taong maaantala.


Lesson 15: Prioritize. kahit ano pa ang
ginagawa mo, pag narinig mo na ang 1,2,3...
 
pose kagad...^_^

Lesson 16: Practice "step no, step yes."
kelangan na kelangan ito sa mga ganitong sitwasyon.
(hay, kawawa naman ang mga vertically challenged!
mas malaki ang possibility na mabasa ang shoes nila...hay...)

Lesson 17: Stop and enjoy the view. maaari kasing itong view lang na ito ang
makita nyo kung sakaling walang clearing sa summit


ang ganda ng bundok!


Water break / Photo break ^_^

Crossing


Enjoying nature

Beautiful!


Lesson 18: Improvise. ang ilog na ito ay hindi lang water source.
pwede ring maging salamin sa mga taong maparaan.
(hmm...narcissus, is that you?) ^_^


Listening to the gurgling creek is just relaxing...


Lesson 19: Do headcounts. count off. 1...

...2...

...3...

Few steps away from the summit!


Lesson 20: Expect the unexpected. kahit na lahat ay excited makakita ng
clearing,  wag manghinayang kung inulan kayo at zero visibility pagdating
sa taas. ganyan talaga ang buhay...next climb na lang ulit


Climbing Pico de Loro in July is apparently not a good idea.
Nevertheless, it's still worth the climb!
lesson 21: take nothing but pictures. yun lang.

lesson 22: have fun! napaka-importante nito.
maghanap ng isang kasamang willing magpauto
at magprovide ng entertainment sa grupo.
(i'll never gonna dance again. guilty feeling got no rhythm...)


Sige, pose lang ng pose! ^_^


O, tama na...hindi na nakakatuwa =p


Lesson 23: Communicate. bago magpakuha ng litrato, mas maganda
 kung ang lahat ay nagkakaintindihan. tipong sino ba ang unang kukuha
 ng picture at kung saan muna titingin.

Lesson 24: Expect some magic. sa ilang sandali lamang ay masasaksihan
nyo ang minsanang paglitaw ng 3 diyosa na nagbabantay sa bundok na ito...

...ang diyosa ng kagandahan...


...ang diyosa ng katalinuhan...


...at ang diyosa ng kagandahan AT katalinuhan
combined...san ka pa?! =p


Hindi pa ba tayo kakain? Nagdidiliryo na ako sa
gutom! ^_^


The Parrot's Beak --- we're heading there next!


At Pico de Loro Summit 2

On our way to the Parrot's Beak

Climbing the Parrot's Beak

Lesson 24: Leave no trace behind. Kahit masarap ang feeling
ng nakakapanik sa mahihirap na parte ng bundok, di hamak
naman na mas masarap kung kumpleto pa ang gamit mo,
gaya ng sapatos, kapag nakapanik ka na.



Hahaha! Si Cinderella din pala ay isang mountain
climber!!

Matapos maibalik kay Cinderella ang kapares ng kanyang sapatos,
masaya syang nagpapicture sa tuktok ng Parrot's Beak.


On top of the World!!!


Tandaan: Ang bundok ay hindi magandang lugar
upang mag-Trust Fall. Buti na lang at nasapo ka
ng mga mabubuting loob!


Tapos ganun lang. Matapos magpagod papanik, baba na uli. ^_^


View from the Parrot's Beak


Yup, the world is beautiful and it never gets old ^_^


Pico de Loro: Summitted


There you have them --- the mountaineering lessons you must learn by heart before going off to one of the many beautiful mountains in this side of the world.

Facts about Pico de Loro:

Location: Ternate, Cavite
Major jump-off: Magnetic Hill, Ternate
LLA: 14°13'2" N 120°38'42" E; 664 MASL
Days required / Hours to summit: 1-2 days / 4-5 hours
Specs: Minor climb, Difficulty 3/9, Trail class 1-3

For more information, visit: http://www.pinoymountaineer.com/2007/08/mt-palay-palaypico-de-loro-664_9808.html

No comments:

Post a Comment